Saturday, September 20, 2008

iyak

Photobucket

Nang ika'y makita
Puso ko'y lumundag sa pagkagalak
Ngunit nang ang orasa'y tumunog
Ako'y lubusang natakot
Sa hinagpis mong galak
Sinigaw ang musika mong iyak
Tila'y humalinang kerubin
Napuspos ang kaba
Tinik sa dibdib ko'y guminhawa

Ang paglalakbay ay puno ng sorpresa
Tulad ng pagdausdos mong kabit ang tali sa kalooban ni ina
Sa dilim ika'y taimtim
Sa liwanag ika'y susubukin
Ano nga bang tatahakin
Katanungang pilit mong sasagutin

full content here

No comments: